Maging alerto. Maging handa. Maging responsable. Mahigpit na ipinatutupad ng SDO Quezon City ang zero tolerance sa anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, pananakot, at mga banta sa kaligtasan sa loob ng paaralan. Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, magulang, guro, at kawani na makiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapagkalingang kapaligiran para sa lahat.
